Friday, August 15, 2014

"BAYAN KO, LUMABAN KA!" - NOBELA NG TAGUMPAY, PANG-ANIBERSARYONG PELIKULANG MAY KULAY (Tagumpay Magazine, June 2, 1965)

Click on images to enlarge


Article written by Fe Almazan-Tingson
Source:  Tagumpay Magazine, June 2, 1965/National Library



NOBELA NG TAGUMPAY, PANG-ANIBERSARYONG PELIKULANG MAY KULAY
Sinulat ni Fe Almazan-Tingson


Isang pelikulang punung-puno ng aksiyon, madula at naglalarawan ng kagitingan at kabayanihan ng mga anak ng bayan ang kasalukuyang isinasapelikula ngayon ng Lea Productions.

Aksiyon, sapagka’t ito’y digmaan; madula – sapagka’t nakataya ang buhay at kapalaran ng dalawang pusong nagmamahalan.  Papaano nila maliligtasan ang digmaan?  Papaano kung isa lamang sa kanila ang palaring mabuhay?  Ano naman ang magiging damdamin ng mauulilang puso?

Iyan ang napapaloob sa magandang nobelang BAYAN KO, LUMABAN KA!.  Kasaysayang inilalathala sa lingguhang Tagumpay.  Pinagtulungan ito ng dalawang kilalang manunulat:  sina direktora Susana C. de Guzman at Ben Feleo.

Gumaganap sa papel ng isang magandang nars si Susan Roces.  Hindi lamang ito ang misyon niya.  Siya man, sa kabila ng pagiging nars ay naging bahagi pa rin ng matatapang na kawal ng bayan na hindi natakot humawak ng baril sa pakikipaglaban.  Hindi niya nilingon ang kanyang kalagayan bilang babae.  Dalawang misyon ang kanyang ginampanan; si Susan Roces – ang nars at siya pa rin bilang isang matapang na gerilyera.

Kasama sa pelikulang ito ang simpatikong si Romero Vasquez.  Kabituin din ang mga artistang sina Celia Rodriguez, Renato Robles, Fred Galang, Malony Antonio, Johnny Long, Angel Confiado, Venchito Galvez, Bert Laforteza, Bruno Punzalan.  Sa direksiyon naman ito ni Armando de Guzman.

Ito ay isinasapelikula ng Lea Productions bilang Pang-Anibersaryong handog at sa Eastman Color.  Itatanghal ang Premiere night sa Hunyo 12 sa dulaang Cinerama.





* * * * *

No comments:

Post a Comment