Tuesday, August 19, 2014

AMORSOLO: IPININTA SI SUSAN (Taliba, Marso 2, 1967)

Click on images to enlarge


Ang larawan ni Susan Roces na ipininta ni National Artist Fernando Amorsolo na ginamit para sa pelikula ng FPJ Productions, ang "LANGIT AT LUPA" (1967).




AMORSOLO:  IPININTA SI SUSAN

Ipininta ni Don Fernando Amorsolo, kinikilalang decano ng mga painter na Filipino, ang isang larawan o retrato ng actress na si Susan Roces para gamitin sa peliculang “Langit At Lupa” ng FPJ Productions.

Ang painting na ito ni Don Amorsolo ay lubhang mahalaga para sa maipakita ang ganap na dramatic implication sa isang magandang ecsena ng pelikula.

Sa katotohanan, si Don Fernando Amorsolo ay kasama sa pelikula, pero ang kanyang papel ay gagampanan ng isang top actor ng FPJ Productions na si Mario Escudero.

Sa tagpong kukunan sa loob ng istudio ng decano ng mga pintor na Filipino ay makikita si Ronnie Poe, ang vidang lalaki na katambal ni Susan Roces, na nakikiusap kay Don Amorsolo na ipinta lamang ang retrato ng babae.

Ang kasaysayan ng “Langit At Lupa” ay tumatalakay sa isang obrero o trabajador sa minahan ng ginto.

Dahil sa isang pagguho o catastrophe sa loob ng isang tunnel ay nagkaroon ng daan para magkalapit ang mga puso ng vidang lalaki at vidang babae.

Umiikit din ang istoria ng “Langit at Lupa” sa halos isang hindi mapaniwalaang problema ng pag-iibigan, na panahon lamang ang maaaring makalutas at ng walang kamatayang devocion ng isa’t isa.

Gayunman, sa kabila ng lahat ng ito, dahil sa mahusay na pagkakasulat ng script, ng makatotohanan o realistic na paglalarawan ng mga artista sa kani-kanilang role, at sa mabuting pamamahala ni Director D’Lanor, ay naging possible ang imposible kaya’t tinitiyak a magugustuhan ng publico.

Source:  Taliba, Marso 2, 1967
              National Library

* * * * *



No comments:

Post a Comment