Saturday, April 14, 2012

SUSAN ROCES & HER SILENT LEGION OF FANS (Darna Komiks Magazine, July 28, 1972)




By Manny Fernandez
Darna Komiks Magazine No. 171
July 28, 1972

Click on image to enlarge

KAGILAGILALAS!  Kahanga-hanga!  Patok na patok!  Ito ang best adjectives to describe Super Movie Queen SUSAN ROCES’ triumphant return sa movies via FPJ’s SALAGINTO’T SALAGUBANG.  Pagpapatunay lamang na La ROCES is still really “in” sa show-business.

Ang nakapagtataka, matagal-tagal din namang panahon na hindi active si SUSAN sa pelikula.  Halos lahat ng kanyang panahon ay iniukol na lamang niya sa kanyang mga tungkulin bilang Mrs. Ronald Allan Poe bukod pa sa kanyang maraming gawain sa opisina ng FPJ sa Escolta.  Ni walang gaanong write-up tungkol sa kanya dahil nga sa lubha siyang abala sa kanyang activities bilang private individual.  Ngunit ang kanyang mga fans ay patuloy pa rin sa pag-aabang sa takbo ng kanyang movie career sa pamamagitan ng patuloy nilang pagliham sa kanya na pawing nagtatanong kung kalian siya babalik sa pelikula.

Click on image to enlarge

At nagbalik nga si SUSAN sa movies at siya’y hindi nagkamali.  Naroroon pa rin ang kanyang publiko.  Ang kanyang “Silent Legion of Fans” from Aparri to Jolo.  We say silent legion of fans pagka’t ang mga tagahanga ngayon ni SUSAN ay less demonstrative; most of them are now being responsible husbands and wives.  Most of them, more mature in appreciating QUEEN SUSAN’s fine assets as a star and as an actress.


Click on image to enlarge

Wika nga minsan ng bantog na nobelistang si Uncle Mars (Ravelo):

“Let’s face it.  Susan has kept her throng of fans all thru these years.  And it is her silent legion of fans who’ll really make a long queue at the box-office to see her films.”

Ano ang kaibahan ng mga fans ni SUSAN noon during her early stints in the movies were more aggressive at enthusiastic in their own way of showing their admiration for her.  Ngayon, the same hordes of fans are less aggressive but more serious, more responsible, and well-poised in admiring SUSAN’s well-preserved beauty and stature as star-actress.
Dahil ditto, nabahala si SUSAN.  Tila yata masisira ang kanyang plano na matapos pagbigyan ang kanyang mga fans ay balik uli siya sa kanyang dating gawi; manatiling plain housewife na lamang sa kanyang mister sa pagma-manage ng kabuhayan.  Kaya naman, muli niyang kinunsulta si RONNIE tungkol ditto sa muling kahilingan ng kanyang “tahimik” ngunit “Laging handang” legion of fans.  Naging napakamaunawain naman si Mister Poe at binigyan niya ng go-signal si Swanie.  Kaya, hayun, puspusan na ang paggawa ni SUSAN at DANTE RIVERO ng BILANGGUANG PUSO in full color sa ilalim ng bandila ng Rosas Productions.

Click on image to enlarge

Alam n’yo, nang mabalitaan ng publiko ang bagong pelikulang ito nina SUSAN at DANTE, ang lahat ay natuwa pagka’t lahat ng kanilang inaasahan ay na-kompirma that SUSAN ROCES is back in the movies to stay!

Bihira ang nagka-comback na successful.  Maihahalintulad ito sa first starring picture ng isang bituin.  Kapag flop ang first starring picture mo, mahihirapan kang makabawi.  Gayundin, kapag flop ang comeback attempt mo, tiyak laos ka na.  Talagang ganyan ang movieworld.  Sadyang malupit at mapagkunwari.

The most important factor sa successful comeback ni SUSAN ay ang kanyang terrific PR.  Tsampiyon talaga ang PR ni SUSAN.  Hindi na kailangan talaga na magkaroon pa siya ng personal PRO para sa kanyang publisidad sapagka’t mismong ang mga reporters (lahat sila marahil) ay nag-uunahan para makapanayam siya.  To them, SUSAN is always a good copy.  At siyempre, dahil kailanman ay hindi nalasing si SUSAN sa tagumpay kaya naman she’s the darling of the Press.  Ang tawag nga nila kay SUSAN ay “Miss Public Relations”.

Stars come and go, but it seems SUSAN ROCES, the SUPERSTAR, the SUPERMOVIE QUEEN, reigns forever!.

* * * * * *

No comments:

Post a Comment