Thursday, April 12, 2012

RONNIE AND SUSAN: LOVE EVERLASTING (Bondying Komeex, February 4, 1973)



RONNIE AND SUSAN:  LOVE EVERLASTING
By Ross F. Celino
Bondying Komeex, No. 131
February 24, 1973


It’s a known fact na isa sa mga happily married couples sa daigdig ng aninong gumagalaw sina FERNANDO POE, JR. at SUSAN ROCES.  Having been married for more than four years – they were married December 16, 1968 in civil rites and on December 25 of the same year in church – Ronnie and Susan had withstood the test of time and are now the happy, contented, and successful movie couple whose screen careers are still very much at the peak and acme of all-time faves…

Katunayan nga ang kanilang pinakahuling pelikula (“ANG ALAMAT” ni Ronnie at “FLORINDA” ay kasalukuyang umaani ng tagumpay sa mga sinehang pinagtatanghalan nito.

Bilang mga producers, sina Ronnie at Susan ay matagumpay.  Ito’y dahil na rin sa kanilang maingat at masinop na pamamaraan, pagpili ng mahusay na script at paggasta nang todo basta rin lamang sa ikagaganda ng produksiyon.  Ang mga ito at ang kanilang business foresight or acumen are the reasons why most, if not all, pictures of FPJ or Rosas Productions are money-makers.

As private individuals, sina Ronnie at Susan ay larawan ng isang modelong mag-asawa; mapagmahal, maunawain, mapag-kawanggawa at higit sa lahat, kumikilala at sumusunod sa kabanalan ng matrimonyo sagrado.

Kaya nga hindi kataka-taka kung bakit sila ang naging typical picture of movieland’s most ideal couple, not only in their private lives but also as public properties.

Minsan ay nasabi sa amin ni Susan na “Ronnie may not be a perfect husband, but he has a heart that beats, and bleeds for the poor, the needy, and a very good provider at that.  So what more can I ask for a husband?”.

“Siya ang nagturo sa akin ng lahat ng nalalaman ko sa pamamalakad sa aming negosyo.  Hindi lamang ang kumita ng salapi kundi kasama na ditto ang pakikisama sa mga tauhan, sa mga business partners at higit sa lahat sa publiko.  Kaya marahil maganda na ang takbo ng paggawa naming ng pelikula.”

Kung si Ronnie naman ang tatanungin tungkol sa kanyang mabait na maybahay, iisa lamang ang isasagot niya:

“Si Swanie ay da best wife one can ever have.”  Napaka-broad ang ibig sabihin nito.  But Ronnie has a ready explanation for this…

Mula ng sila’y lumagay sa tahimik, si Susan na ang nangasiwa sa kanilang tahanan.  Tutoong mayroon silang mga katulong sa bahay (a good number of them), pero si Susan mismo ang naghahanda ng menu for the day; kung ano ang kursunadang ulam o matamis, kung anong special recipe he wants for the day, etc.

At si Susan pa rin ang mismong nag-aalaga sa kanilang mga halaman.

“She has a green thumb,” Ronnie would proudly point to his wife.  “Ang lahat ng iyan ay siya ang nagtanim, pati ang mga gulay sa aming  backyard:  squash (big and round), sili, camote, upo, etc.”

At si Susan pa rin ang nagde-decorate sa kanilang magarang tahanan, kaya maya’t maya’y iba-iba ang natutuklasan niyang mga flower arrangements, mga mixture of planting, mga different style of interior decors, etc.  This is the reason why their home in Greenhills is like a showcase in itself, something of a show piece, perhaps a model house?

While Susan does her wifey chores, Ronnie, sa kabilang banda, ay siyang gumaganap bilang ama ng tahanan.  Siya ang taga-isip, siya ang taga-desisyon (of course with som suggestions from Susan) at siya pa rin ang provider sa lahat ng pangangailangan sa bahay.

A fairly good arrangement, if you ask us…isa pa sa mga dahilan kung bakit tumatatag ang pagsasamahan nina Ronnie at Susan ay ang kanilang anak na si Mary Grace na may apat na taong gulang na ngayon.

Mary Grace is the apple of their eyes, of Ronnie’s and Susan’s.  Around her revolves their world, their love.  Dahil sa kanya kung kaya sila’y nagtatrabaho nang husto.  Dahil kay Mary Grace kung kaya sila lalong nagmamahalan.

Kataka-taka ba kung bakit ang pagsasama nina Ronnie at Susan ay lalong gumanda habang nagtatagal?  Kataka-taka ba kung sila’y lalong magmahalan?  After all, love is Ronnie and Susan and Ronnie and Susan are – or is it is? – LOVE!

* * * * *

No comments:

Post a Comment