BILANG pagdiriwang sa ika-75 taong kaarawan ng ating mahal na Reyna ng Pelikulang Pilipino Susan Roces sa Hulyo 28, ang susanroces.blogspot.com ay nag-aalay ng pagdiriwang sa buong buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga lathain ng iba't ibang manunulat na nalathala sa mga magasin, diyaryo o komiks.
Bilang pauna, narito ang isang lathain ng isang manunulat ng diyaryong Bulgar na si Ms. Len Llanes na nalathala noong Marso 26, 2008 tungkol sa isang kuwentong karanasan ni Fr. Mario Sobremonte at ng kanyang grupo kay Ms. Susan Roces sa isang retreat isang Holy Week sa isang simbahan sa Greenhills. Narito ang kuwento ni Ms. Llanes:
"NARINIG na namin ang kuwento-kuwento
tungkol kay Susan Roces nu'ng nabubuhay pa ang asawa nitong si FPJ.
Kesyo noon kunong nangangampanya si Da King when he run for
President, busy din kuno sa pagtulong sa kanya ang misis na respetadong
aktres.
May tsismis na kumalat noon, however, na
tuwing matatapos daw makipagkamay ang maybahay ni Da King sa mga
tao, sangkatutak na alcohol daw ang ipinanghuhugas nito sa
kanyang kamay.
May duda na kami noon pa man na kalaban
siguro sa pulitika ang nagkakalat ng mga ganitong kuwento.
And somehow, lately, Susan has redeemed herself.
Sabi ng isang friend namin, um-attend kuno
siya ng recollection last Holy Week sa isang simbahan sa Greenhills.
Nagkuwento raw ang retreat master na si Fr. Mario Sobremonte tungkol
sa karanasan nito at ng kanyang grupo.
Kasama si Ms. Susan Roces, napagkasunduan
nilang bumisita at magmisa sa Tala, sa lugar ng mga ketongin.
Bago pa man daw sila umalis, maraming katanungan kuno ang nasa isip
nila.
Since balita na infectious ang sakit na
ketong, nag-usap-usap kuno sila tungkol sa mga precautions na dapat
gawin. May nag-suggest daw na siguro, mas maganda kung sa parteng Our
Father, sila-sila na lang ang magkakapit-kamay.
May nagbiro pa kuno na bahala na kung sino
ang nasa dulo, siya na ang mag-decide kung makikipagkapit-kamay siya
sa isang may ketong.
Ibig sabihin, may mga apprehensions silang
nadarama sa pakikihalubilo sa mga may ketong.
Kasama of course sa grupo nila si Susan
Roces. Nauna pa raw ang sasakyan nitong dumating sa Tala.
Sey ni Fr. Mario, "Nagulat kami nu'ng
pagkulumpunan si Susan ng mga tagaroon. May naglakas-loob na
lumapit at nakiusap kung puwede niyang kamayan ang dating Reyna ng Pelikulang
Pilipino. Surprised kami dahil si Susan pa mismo ang nag-abot ng kanyang
kamay. Nagkalakas-loob yata ang iba pa kasi 'yung sumunod ay hiniling
kay Susan na mayakap ito.
"Wala kaming nakitang hesitation sa
kanya. Niyakap niya ang maysakit.
Wala kaming nahalatang pangingimi on
her part nu'ng sunud-sunod nang lumapit ang mga taga-Tala para mayakap o
makamayan ang napakagandang misis ng Action King."
Sa misa kuno, sa portion ng Our Father kung
saan kailangan silang maghawak-kamay, sabi ng pari,
"Nagkahiwa-hiwalay ang grupo, so "di natupad ang usapan na kami-kami ang
maghawak-kamay. Kahalubilo namin ang mga tao at dahil sa ipinakitang gesture
ni Miss Susan Roces, 'di nag-hesitate ang mga kasama namin na
makipaghawak-kamay na rin sa mga tagaroon."
Sa end portion daw ng Homily ni Fr. Mario,
sabi nito, "Touched kami sa ginawa ni Susan Roces. At later,
na-realize namin na we came to Tala to heal the sick people there, pero ang nangyari,
kami ang na-heal. Kami pala 'yung mga may sakit na dapat ay
mabigyan ng lunas.
"Yung aming attitude sa mga tagaroon
ay nag-iba. Naging bukas ang isip namin. "Di lang pala sila
ang may sakit na dapat magamot. Kami rin ay may karamdaman. Naging bulag
kami sa kalunus-lunos na kalagayan nila, dahil sa umpisa pa lang ay
nagkaroon na kami ng negative feelings towards them. Good na
lang at kasama namin si Susan who somehow opened our eyes by setting the
example at the outset."
Sabi ng friend namin, "Dati na akong
tagahanga ni Miss Susan Roces, pero sa sinabi ni Father Mario, naging
doble ang respeto ko sa kanya.
She really deserves to be called
Queen, sabihin pa mang Queen of Philippine Movies na siya."
* * * * * * *
No comments:
Post a Comment