Click on image to enlarge
(Courtesy of Mercy G. Masangcay)
* * * * *
AT NAGISING DIN ANG MGA SUSANIANS
Ni Jerry Benitez
Matagal na rin kami sa pelikula, kaya halos kilala na rin namin ang maraming mukha sa ilang taon na rin namang nagsi-circulate sa mga happenings sa movie circles. From the directors hanggang sa mga fans. Like nitong hindi na masyadong naging active ang Susan Roces, some of her followers ay napagkita na ring umaalalay at sumusuporta sa mga bagong artista. andiyan ang mga Susanians sa camp ni Guy, meron din kay Vi, kay Alma, and several others. Though a great majority, like Susan, ay nanahimik na rin...belonging to the silent admiring crowd.
Muli ngang gumawa ng pelikula si Es Ar ... ito ngang Gumising Ka, Maruja directed by Brocka. And all at once, kumalat like wildfire anf bulung-bulungan...sa kantina ng istudyo, sa recording sessions, sa radyo at telebisyon, at sa iba pang mecca ng mga movie people. Si Angge, na dating over-all President ng mga Susanians, ay isa nang kanang kamay ni Ate Luds, or rather ni Inday Badiday. Si Genyo, ang isa sa laging naka-asiste kay Angge ay isa nang legman ng iba't ibang istudyo. Though they have graduated from their just being tagasubaybay ng kanilang idols, nandoon pa rin si Es Ar na nakaukit in big bold letters sa kanilang mga puso.
"Manang Inday, hindi maaaring hindi ako dumalo sa bertday mo," isang humahangos na Angge ang dumating sa Bacolod to catch up with Susan's red-lettered days. "Kung hindi ako binigyan ng free ticket sa opisina ng FPJ, bumili na rin ako ng sariling ticket."
Tuloy ang pagse-serbisyo ni Genyo. Busy pa rin siya sa pagde-deliver ng mga call slips. Pero sabi niya, "Naku, maaga akong gigising sa first day showing ni Manang Inday. Maglalagare ako sa lahat ng sinehan. Kahit na may naka-sked akong shooting sa araw na ito, top priority ko ang magpunta sa mga lobby."
Nguni't hindi lang dito sa Metro Manila nabubuhayan ng loob ang mga Susanians. Dagsa na naman ang sulat na dumarating sa haybols ni Es Ar. And we witnessed the hundreds of fans who trekked to the location site sa Bacolod from day to day. Lalo pa na noong mismong b-day ni Susan kung kailan kinunan din ni Brocka ang big scene.
Ang gate ay halos magiba, walang paglugaran sa tao, and what Susan Roces was years and years ago ... bago pa nauso ang kantahan sa ilalim ng mangga ng mga batang artista, long before Trudis Liit became Burlesk Queen, at noon-noon pa rin before naging uso ang po at opo ni Nora Aunor ... ay naganap na naman before our naked eyes. The same clamor, hysteria, wild acclaim. And hayun pa rin si Es Ar ... the fact that refreshes, the sweet smile, the gracious nod, et cetera na kailanman ay hindi matanggap ng mga Amalians during the hotly-contested rivalry.
Did we see the mist in her eyes sa ganitong warm reception? Ten years ago, mga November of 1968, Mars Ravelo asked us to write an article on Susan and he chose a title ... Susan Roces: Ten Years From Now. Doon, tinalakay namin what she would be like. Hindi kami nagkamali sa maraming puntos: like if she were married na, she would be more of a private mother and missus; or if she were still active and some younger stars had popped up, siya pa rin ang mayuming true-blooded lady, a category all by herself, an institution. Na she's the Movie Queen, Guy is the Superstar and ... ano nga ba iyon, si Vi ang Takilya Queen, to quote her supporters, and Alma ... the Boldest of 'em All.
But we missed one important thing: Hindi namin naisip na magkakaroong muli ng isa pang pelikula about Maruja, ang pelikulang closely identified with her all through the years.
"Why, ako nga eh, not even in my wildest dreams na inakala ko ring muli akong gagawa ng pelikulang kasali si Maruja," Susan admitted.
Kaya nga dalawang bagay ang nakagising sa kanyang mga followers. Isa nga'y si Susan, at pangalawa ay si Maruja. Though insistent nga ang karamihan ngayon to find out kung ito ang magiging panibagong start for Susan na maging active, out-and-out actress na naman, doing one pic after another, Susan is not certain na maipapangako niya ito sa mga umaasa.
"Times have changed. Hindi na nating puwedeng ibalik si Susanang Daldal. Tapos na ang era nina Susan, Susay, Susie, Swanie. Tsaka ... si Susan Roces iyon noon bilang Jesusa Sonora. Dalaga pa, she had all the time in the world to devote sa kanyang career. Iba na rin ang trends ng film-making at present. I am now married, may anak na kami ... and there's so much to attend to. Paminsan-minsan na lang tayo puwedeng lumabas. We can't put back the hands of time. Matagal na akong gising sa ganitong katotohanan and I have no regrets. Nag-enjoy ako noon, at iba namang kasiyahan and happiness ang napi-feel ko ngayon. Pareho na ngang magkaibang daigdig kung iisipin, and yet, my present private little world is equally if not more beautiful," quipped Susan.
She's thankful na nakakaalala pa rin ang kanyang mga tagasubaybay and to all those who haven't forgotten there's still a Susan Roces, she is dedicating this project to you, to all her fans: Gumising Ka, Maruja.
"It just might be my last ... I think it just might be," in mumbling tone ay pagtatapos ni Es Ar.
written by: Jerry Benitez
Ravelo Komiks, September 21, 1978
* * * * * *
..
No comments:
Post a Comment